KUMPIRMADO ang tatlong kaso ng Mpox sa Alabel, Sarangani, ayon sa Provincial Health Office (PHO).
Ang unang kaso ay isang 73-anyos na babae na may travel history sa Polomolok, South Cotabato.
Ang ikalawang kaso naman ay isang 28-anyos na babae na bumiyahe sa General Santos City.
Ang ikatlong kaso ay isang 37-anyos na babae na walang anumang travel history.
Patuloy ang imbestigasyon at contact tracing ng mga awtoridad upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.