3 nasawi sa karambola ng 6 na sasakyan sa Marikina; Pamamaril sa Carcar, isa pa ang nasawi

3 nasawi sa karambola ng 6 na sasakyan sa Marikina; Pamamaril sa Carcar, isa pa ang nasawi

karambola sa Marikina

Ayon sa Marikina Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), hindi nakayanan ng isang 10-wheeler truck ang akyatang bahagi ng kalsada, kaya ito ay napaatras at tumagilid ang dalang container van. Nadaganan nito ang kasunod na jeep, na siyang naging dahilan ng pagkakasangkot ng 5 pang sasakyan—kabilang ang isa pang jeep at tatlong pribadong sasakyan.

Tumagal ng mahigit anim na oras ang rescue at retrieval operations na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), DRRMO, lokal na pamahalaan, at mga volunteers.

Mga Nasawi:

Mag-ina na sakay ng SUV

Driver ng nadaganan na jeep

Mga Sugatan:

Sampung katao, kabilang ang isang pasahero ng jeep na pinakahuling nasagip at ligtas na ngayon

Hawak na ng Marikina Police ang driver ng 10-wheeler truck para sa imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso.

Samantala, isa ring insidente ng karahasan ang naganap sa Carcar City, Cebu nitong umaga ng Abril 24, kung saan nasawi ang isang lalaki matapos barilin ng sariling pinsan dahil umano sa matagal nang personal na alitan.

Ang biktima ay kinilalang si Natchumie Dayondon, 34 taong gulang, may asawa at anak, at residente ng Brgy. Bolinawan. Siya ay tinamaan ng bala sa dibdib habang nasa loob mismo ng kanyang tahanan.

Ang suspek ay kinilalang si James Alegarbes, 33 taong gulang, may asawa, residente ng Brgy. Guadalupe, Carcar City. Kasama nito ang isa pang lalaki na si Jenro Eliorda, 32, na ngayon ay kapwa arestado ng Carcar police.

Ayon sa paunang imbestigasyon, ang dahilan ng pamamaril ay personal na alitan dulot ng tsismis at matinding hindi pagkakaunawaan.

Inamin ng asawa ng biktima na parehong gumagamit ng iligal na droga ang dalawang magpinsan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble