DAVAO CITY, Abril 24, 2025—Hindi mahulugang karayom ang makasaysayang campaign rally ng Hugpong ng Tawong Lungsod na ginanap sa kahabaan ng Davao Coastal Road, patunay ng patuloy na matibay na tiwala at suporta ng mga Davaoeño sa liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Dagsa ang mga tagasuporta—mula sa kabataan, mga manggagawa, senior citizens, hanggang sa mga lider-komunidad—na sabay-sabay na nagpahayag ng kanilang pagkakaisa at paninindigan sa mga prinsipyong ipinamana ni Duterte: serbisyong may puso, matatag na pamumuno, at malasakit sa bayan.
“Ito ay hindi lang rally, kundi isang pagpapakita ng pagmamahal at pagkilala sa isang lider na tunay na nagmahal sa Davao at sa buong bansa,” ayon sa isa sa mga dumalo.
Ang kaganapan ay sinabayan ng mga testimonya mula sa mga residente, at mga talumpati ng mga kandidato ng Hugpong na patuloy na nagtataguyod ng mga adbokasiya ni Duterte sa lokal at pambansang antas.
Makikita sa mata ng bawat dumalo ang pag-asa at determinasyong ipagpatuloy ang pamana ng tunay na serbisyo publiko.