NASA Metz, France na ang gymnasts na si Aleah Finnegan at Emma Malabuyo maging ang fencer na si Samantha Catantan.
Para ito sa kanilang training camp kasama ng ibang Pinoy athletes bilang paghahanda sa nalalapit na 2024 Paris Olympics.
Sa ngayon ay nasa training camp na rin ang weightlifters na sina Vanessa Sarno, Elreen Ando, at John Febuar Ceniza at gymnast na si Carlos Yulo.
Maging ang boxers na sina Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo Paalam at Nesthy Petecio.