Team Pilipinas, tumungo na ng France bilang paghahanda sa 2024 Paris Olympics

Team Pilipinas, tumungo na ng France bilang paghahanda sa 2024 Paris Olympics

TUMUNGO na sa Metz, France ang Team Pilipinas upang masimulan ang pag-eensayo para sa gaganaping 2024 Paris Olympics ngayong Hulyo 26.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, pangungunahan nilang dalawa ni Chef-de-Mission Jonvic Remulla ang pagmo-monitor sa training ng mga atleta.

Kabilang sa unang batch ng Filipino athletes na nasa France ay sina weightlifters Vanessa Sarno at Elreen Ando; ​​Boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo Paalam at Nesthy Petecio; Rower Joanie Delgaco; at weightlifter John Febuar Ceniza.

Habang sina boxer Eumir Felix Marcial; Fencer Samantha Catantan; at gymnasts Carlos Yulo, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar ay darating sa France sa mga susunod na araw.

Ayon kay Tolentino, ang hakbang na ito ay bilang pagsisikap na makasungkit ng mas maraming medalya para sa Pilipinas sa taong ito.

Ito ang unang pagkakataon na magsasagawa ang POC ng training camp para sa Filipino Olympians isang buwan bago ang kompetisyon.

Follow SMNI NEWS on Twitter