UMABOT sa 30 miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na New People’s Army (NPA) ang na-neutralized ng Visayas Command (VisCom) sa buwan lang ng Pebrero ngayong taon.
Sa nasabing bilang, 14 ang nasawi sa engkuwentro, 15 ang nagbalik-loob sa pamahalaan at isa ang nahuli.
Kasabay rito ang pagkaka-recover ng aabot sa 47 armas, sa nasabing bilang 34 rito ay pawang high-powered firearms.
Ayon sa commander ng VisCom na si LtGen. Benedict M. Arevalo, bagama’t malaki ang kanilang nakuhang tagumpay sa laban sa mga rebeldeng grupo nitong nakaraang buwan, sinabi nito na hindi pa tapos ang kanilang misyon.
Aniya, nakatuon ngayon ang kanilang puwersa sa pagtugis sa mga bagong miyembro ng komunistang teroristang grupo na kumikilos sa Visayas.