30% na pagbaba ng kaso ng COVID-19 naitala ng DOH ngayong linggo

30% na pagbaba ng kaso ng COVID-19 naitala ng DOH ngayong linggo

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na mas mababa ng 30 percent ang COVID-19 cases ngayong linggo kung ikukumpra noong October 24 – 30.

Mula kasi October 31 hanggang November 6, ay nasa mahigit anim na libo lang ang naitalang COVID-19 cases sa bansa.

Inihayag din ng DOH na nasa 907 lamang ang average na kaso naitatala ngayong linggo sa kada araw.

Pero nitong Nobyembre 6, 2022, sa ulat ng DOH na mayroong mahigit 600 na malubha at kritikal na pasyente sa mga ospital matapos tamaan ng COVID-19.

Follow SMNI NEWS in Twitter