MAIPATATAYO na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa San Juan City ang isang 30-storey residential building.
Kasunod ito sa paglagda ng DHSUD ng isang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng San Juan City hinggil dito.
Nasa 1,029 na unit ng pabahay na may sukat na 25 square meters bawat isa ang nasabing condominium-type na housing project sa Brgy. Batis.
Ang proyekto ay magkakaroon din ng mga makabagong pasilidad kabilang na ang isang multi-purpose area at iba pa.