NAIPILA na ng Philippine National Police (PNP) ang 36 cases vs mga suspek sa pamamaslang kay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Hindi pa rin susuko ang PNP sa kanilang laban at apila na mapanagot ang mga suspek sa pamamaslang kay dating Negros Oriental Gov. Degamo.
Sa panayam ng media araw ng Biyernes kay PNP-PIO chief PBGen. Redrico Maranan, kinumpirma nito na aabot sa 36 na kaso ang naipila na sa korte laban sa 10 suspek ng Degamo killings kasama ang itinuturing na mastermind na si Congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr.
Nakapaloob dito ang 10 murder cases, 17 frustrated murder cases at 9 attempted murder cases sa pangunguna ng Special Task Force Degamo.
Samantala, sa kabila ng recantation o pagbawi ng testimonya ng karamihan ng mga suspek sa krimen, tiniyak ng PNP na matibay pa rin ang hawak nilang ebidensiya laban sa mga salarin sa pamamaslang sa dating opisyal.