36 indibidwal, nahuli sa anti-illegal gambling operation sa Laguna

NALAMBAT ng pulisya ang 36 indibidwal matapos ang anti-illegal gambling operation sa Laguna.

Ayon kay Police Colonel Rogarth Campo, acting Provincial Director ng Laguna Police, isinagawa ang magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Pakil, Santa Cruz, Liliw, San Pablo City, at Sta Rosa City.

Nakumpiska ang mahigit P15,000 taya at iba’t ibang gamit sa iligal na tupada.

Dinala na sa iba’t ibang operating unit ang mga naaresto para sa proper disposition.

Iginiit naman ni Campo ang isinagawa nilang operasyon ay nagpapatunay lamang na seryoso sila sa laban sa iligal na sugal sa lalawigan.

SMNI NEWS