2 NPA, napatay habang 2 iba pa nahuli sa engkwentro sa Malaybalay City, Bukidnon

NAPATAY ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang dalawang iba pa ang nahuli sa engkwentro sa Barangay Kibalabag, Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon kay First Lieutenant Abigail Lorenzo, acting civil military operation officer ng 8th Infantry Battalion, rumisponde ang militar sa ulat na presensya ng communist terrorist nang mangyari ang engkwentro sa limang miyembro ng Headquarters Force Neo ng  North Central Mindanao Regional Committee.

Kinilala ang mga napatay na sina alyas Draw at alyas Paet habang ang mga nahuli ay sina Nisy Sante alyas Arnold at Gelloye Lipanya Sagula alyas Janjan.

Narekober ng militar ang tatlong caliber 45 pistol, isang 9mm pistol, limang magazine, isang cellphone, at medical supplies.

Nailigtas din ang pitong sibilyan kabilang ang apat na menor de edad.

SMNI NEWS