Mga tinaguriang maritess, hinimok ng DOH na umiwas muna sa pakikihalubilo sa mataong lugar

PINAALALAHANAN ng Department of Health ang publiko na umiwas muna sa pakikipagkwentuhan o pakikihalubilo sa ibang tao lalo na sa mga pampublikong lugar.

Ipinaliwang ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire na nababawasan ang banta, na mahawaan ng COVID-19 kung iwasan ang makipagkwentuhan o pakikihalubilo sa ibang tao.

Hangga’t maaari aniya ay mainam na huwag munang makihalubilo sa mga pampublikong lugar para mapangalagaan ang sarili laban sa Omicron variant.

Muling ipinaalala din ni Vergeire ang pagsunod sa minimum public health standards lalo na pag nasa matao o pampublikong lugar.

Sinabi ni Vergeire na kung hindi maiwasang makihalubilo ay tiyaking may isang metro ang distansya sa ibang tao at tama dapat ang pagkakasuot ng face mask.

SMNI NEWS