39 domestic, 2 int’l flights sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon

39 domestic, 2 int’l flights sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon

UMABOT na sa 39 na domestic habang 2 international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanselado dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division Office na biyaheng balikan mula Manila patungong Cebu, Cagayan de Oro, Davao, Busuanga, Calbayog, Basco, Legazpi, El Nido Palawan, Zamboanga, Puerto Princesa, Bacolod, Caticlan, Butuan, General Santos at Tacloban ang mga nakanselang flights.

Habang biyaheng Singapore at Denpasar ng Philippine Airlines ang mga naapektuhan naman para sa international.

Patuloy pa ring nakamonitor ang MIAA sa sitwasyon sa paliparan para sa posibleng pagdagdag ng maapektuhang flights.

Follow SMNI NEWS in Twitter