4 hinihinalang NPA, patay; 9 na iba pa, nahuli sa sagupaan sa Bukidnon

4 hinihinalang NPA, patay; 9 na iba pa, nahuli sa sagupaan sa Bukidnon

NASAWI ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) habang ang siyam na iba ay nahuli sa nangyaring engkwentro ng rebelde at sundalo sa Bukidnon.

Ayon sa 4th Infantry Division, nagsagawa ang 88th Infantry Strike Operations sa Barangay Mabuhay, San Fernando dahil sa ulat na may nangyayaring extortion activities sa lugar.

Naka-engkwentro ng mga sundalo ang aabot sa dalawampung mga rebelde sa ilalim ng pamumuno ni Alyas Migz, ang sinasabing secretary guerilla front ng Malayag Sub Committee 2 ng North Central Mindanao Regional Committee.

Sa nangyaring bakbakan kahapon ng umaga, napatay ang apat na mga rebelde at dalawang iba pa ang nahuli, nakuha sa mga ito ang tatlo AK47 rifles, apat na M16 rifles, at M203 grenade launcher.

Samantala, sa isinagawang pursuit operation, pitong iba pang suspected rebels kabilang ang 12-year-old na bata ang nahuli.

Nakuha naman sa mga ito ang eight high-powered firearms kabilang ang dalawang AK47 rifles, tatlong M16 rifles, isang M14 rifle, at dalawang M653 rifles.

 

SMNI NEWS