NASAWI ang apat na indibidwal, nasira ang ilang bahay at temporaryong nawalan ng kuryente ang Kyiv at Mykolaiv, Ukraine nitong Miyerkules, Pebrero 7, 2024.
Ayon sa Ukrainian Defense Ministry, nasa 20 Iranian-made drones at 44 na missiles ang ginamit sa pag-atake dahilan para mayroong nasawi.
Ito na ang pinakalatest na mga pag-atake sa bansa at ipinangako ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na lalaban sila kontra Russia na pinaniniwalaan nitong pasimuno ng naturang air raid.
Kaugnay rito, hinikayat ni US Ambassador to Ukraine Bridger Brink ang international community na tulungan na ang bansa.