NASA 427 na police service dogs ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) ngayong paparating na Semana Santa.
Ito ang kinumpirma ni PNP PIO Acting Chief PCol. Jean Fajardo upang tiyakin ang seguridad ng mga magbibiyahe pauwi ng mga probinsiya.
Ipu-puwesto ang mga ito sa iba’t ibang place of convergence gaya ng malls, pantalan, transport hubs, at iba pang matataong lugar sa bansa.
Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ay maiiwasan ang paglaganap ng posibleng mga krimen ngayong Holy Week at sa buong panahon ng bakasyon.