LIBU-libong bags ng smuggled na pulang sibuyas ang nasabat ng mga otoridad sa Varadero de Cawit, Brgy. Cawit, Zamboanga City kahapon, Enero 23, 2023.
Sa joint operation ng Naval Forces Western Mindanao, Philippine Coast Guard, Marine Battalion Landing Team-11, Intelligence Operatives ng Western Mindanao, JTF Zamboanga at Bureau of Customs District Zamboanga, matagumpay na naharang ang isang Izusu close van na puno ng 3,000 sako ng smuggled na pulang sibuyas.
Isang watercraft din na may markang MJ Marisa ang naharang na naglalaman naman ng humigit-kumulang 8,000 na mesh bags ng pulang sibuyas.
Ayon sa NFWM, kabuuang 44,000 kilos ng pulang sibuyas ang nasabat kung saan ang bawat bag ay may laman na 4 na kilo.
Samantala, isang watercraft din na may pangalang ML Zhary na may laman ng humigit-kumulang 300 drums ng smuggled petroleum, oil, and lubricant (POL) products ang subject ng Visit, Board, Search, and Seizure (VBSS) ng mga otoridad. Zamboanga City
Pansamantanang pinipigil ang mga sasakyan na naglalaman ng kontrabando para sa inventory bago ito iturn-over sa kaukulang ahensya ng pamahalaan para sa proper disposition.