4ID, suportado ang COMELEC at PNP para sa mapayapa at tapat na 2023 BSKE

4ID, suportado ang COMELEC at PNP para sa mapayapa at tapat na 2023 BSKE

SUPORTADO ang Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP) para sa mapayapa at tapat na 2023 BSKE ng 4ID.

Nagsagawa ng Regional Joint Security Control Center (RJSCC) Coordinating Conference sa Police Regional Office 10, Camp Alagar, Brgy. Lapasan, Cagayan de Oro City ang Philippine Army, Philippine National Police at Commission on Elections (COMELEC).

Ito’y upang masiguro na magiging mapayapa at tapat ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa darating na Oktubre ngayong taon.

Dinaluhan ito mismo ni 4ID Commander Maj. Gen. Jose Maria R. Cuerpo II, Police Regional Office (PRO)-10 Regional Director PBGen. Lawrence B. Coop, Election Regional Election Director Atty. Renato A. Magbutay, at iba pang stakeholders.

Sa nasabing pagpupulong ay nagpahayag naman ng buong pagsuporta ang 4th Infantry Division ng Philippine Army at pakikipagtulungan sa COMELEC at PNP para sa mapayapa at tapat na 2023 Barangay at SK Elections.

Matatandaan na binabantayan ngayon ng mga awtoridad ang darating na Barangay at SK Elections dahil meron paring iilan na mga government officials sa ibang lugar na suportado ang mga makakaliwang grupo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter