4k mga estudyante sa Tarlac, sumailalim sa seminar kaugnay sa mga iligal na ginagawa ng CTGs

4k mga estudyante sa Tarlac, sumailalim sa seminar kaugnay sa mga iligal na ginagawa ng CTGs

SAMA-samang nakiisa sa pakikinig at paglahok sa mga aktibidad ng Philippine Army ang nasa apat na libong high school students ng Tarlac National High School nitong nakarang linggo.

Dito ipinaunawa ng mga kasundaluhan ang mga panlilinlang at panloloko ng mga prenteng organisasyon ng CPP-NPA-NDF gaya ng Kabataan Party-list, Gabriela, ACT Teacher, Bayan Muna at marami pang iba.

Sa panayam kay AFP 1st Civil Relations Group, Group Commander Major Al Anthony Pueblas, labis nitong ipinagmalaki ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.

Giit ni Pueblas, malaking bagay ito sa mga mag-aaral dahil sa mga nakuhang kaalaman lalo na mula sa mga dati ring estudyante na naging kasapi ng CPP-NPA at ngayo’y kakampi na ng pamahalaan.

Naniniwala ang AFP na ang tuluy-tuloy na pakikibahagi ng mga kabataan sa mga ganitong pagtitipon ay mailalayo sila sa kapahamakan na dala ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter