4Ps beneficiaries, hindi kwalipikadong tumanggap ng education aid – Sec. Tulfo

4Ps beneficiaries, hindi kwalipikadong tumanggap ng education aid – Sec. Tulfo

NILINAW ngayon ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na hindi kasali sa makatatanggap ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay Tulfo, ipinaliwanag sa kanya ng mga opisyal ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na ang mga 4Ps beneficiaries ay mayroon nang tinatanggap na educational assistance buwan-buwan kung kaya’t hindi na sila maaring tumanggap pa ng panibagong ayuda para sa edukasyon.

Matatandaan na naunang sinabi ng kalihim na maaring makatanggap ng financial assistance ang mga 4Ps beneficiaries.

Ang nasabing hakbang ng DSWD ay upang matulungan ang mga indigent student ngayong pasukan.

Follow SMNI NEWS in Twitter