5 bansa sa east at southern Africa, nakararanas ng anthrax disease outbreak

5 bansa sa east at southern Africa, nakararanas ng anthrax disease outbreak

NAKARARANAS ng anthrax disease outbreak ang limang bansa sa east at southern Africa ayon sa World Health Organization (WHO).

Ang limang bansa na ito ay ang Kenya, Malawi, Uganda, Zambia, at Zimbabwe.

Nasa 1,100 ang suspected cases habang 20 na ang nasawi dahil dito ngayong taon.

Posibleng rason sa outbreak ay may kaugnayan sa klima, food insecurity, at low-risk perception and exposure sa sakit sa pamamagitan ng meat handling sa mga apektadong hayop.

Ang anthrax disease ay isang bihira subalit seryosong uri ng sakit na sanhi ng spore-forming bacteria.

Madalas na apektado rito ang mga alagang hayop subalit maaari ding mahawaan ang mga tao kung may direct o indirect contact ito sa mga nagkasakit na mga hayop.

Ang mga taong may anthrax disease ay nakararanas ng lagnat, paninikip ng dibdib, kapos sa paghinga, pananakit ng ulo, at pagsusuka.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble