NAKIKITA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa limang lugar sa bansa ang makararanas ng ‘danger level’ o nasa 42 degrees Celsius na heat index ngayong araw, Marso 7, 2025.
Kabilang sa mga lugar na tinutukoy ay ang Dagupan City, Pangasinan; Iba, Zambales; Ambulong, Tanauan, Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; at Cuyo, Palawan.
Maaari namang umabot ng 40 degrees Celsius ang heat index sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay habang 39 degrees Celsius sa Science Garden, Quezon City.
Kaugnay nito, suspendido ang face-to-face classes mamayang hapon sa lahat ng mga pampublikong paaralan, mula preschool hanggang senior high school sa Manila.
Sa Calaca, Batangas, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan maging sa Abra; Rosario, Cavite; Bay, Calauan, Los Baños, at Santa Cruz, Laguna.
Maging sa Malolos, Bulacan; Himamaylan, Negros Occidental; at San Jose, Occidental Mindoro.