NANINIWALA si Sen. Bato dela Rosa na magiging balanse sa pagbusisi ng courtesy resignations ng mga pulis ang binuong 5-man team ng Pilipinas.
Umaasa rin ito na magiging neutral at objective ang panel.
Nitong Miyerkules ay pinangalanan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. ang apat sa limang myembro ng tinutukoy na panel.
Isa rito si PNP chief. Gen. Rodolfo Azurin Jr. na siyang mangunguna sa panel; Baguio City Mayor Benjamin Magalong; dating Defense Sec. Gibo Teodoro at retired Gen. Isagani Nerez.