NATUPOK ng apoy ang 50 bahay sa Sta. Cruz Maynila, sanhi ng sunog isinisi sa isang paaralan.
Hindi napigilan ng ilang mga nasunugan na mapaiyak matapos tupukin ng apoy ang kanilang tinitirhan sa Fuguso St. Sta. Cruz, Manila.
Nagsimula ang sunog 11:23 ng umaga.
Ayon sa biktima na si Amalia, sigurado siyang hindi jumper ang pinagmulan ng sunog kahit dikit-dikit ang kanilang mga bahay.
Ang sinisi ng mga residente sa Brgy. 330 Zone 33 ay ang ginawang pagwe-welding sa bahagi ng ginigibang paaralan ng Antonio Regildo Elementary School.
Ang sunog kinailangang agad itaas sa ikatlong alarma bandang 11:30 ng umaga.
Lagpas alas dose ng tanghali nang ideklarang undercontrol ang sunog.
12:40 nang ideklara na fire out na ito.
Wala namang nasawi sa insidente pero apat ang nasugatan.
Gusto umano ng mga residente na pagbayarin ang school dahil sa insidente.
Ang mga biktima ay susubukan ng barangay na mailipat sa isang tent para doon muna sila.