SINORPRESA ng BTS leader na si RM ang ARMYs sa isang 50-day discharge countdown.
Sa isang social media story ni RM, ibinahagi niya ang screenshot ng isang countdown app na ikina-excite ng ARMYs worldwide.
Nagsimula si RM kasama ang member na si V sa kanilang mandatory military service noong Disyembre 2023 at nakatakda naman silang ma-discharge sa Hunyo 10, 2025. Susunod naman si Jimin at Jungkook sa Hunyo 11, habang nasa public service si Suga at nakatakda namang ma-discharge sa Hunyo 21.
Samantala, habang hinihintay ang younger members, busy naman sa kanilang solo activities si Jin at J-Hope na unang na-discharge noong 2023.
Sa ngayon, super excited na ang ARMYs worldwide sa huge comeback ng global sensation group!