70 pang bangkay ng PDLs na natanggal sa isang punerarya, inilibing na ngayong araw

70 pang bangkay ng PDLs na natanggal sa isang punerarya, inilibing na ngayong araw

NAILIBING na ngayong Biyernes ang 70 pang bangkay ng mga persons deprived of liberty (PDLs) na namatay sa loob ng New Bilibid Prison.

Kabilang pa rin ang mga ito sa 176 na bangkay na hindi na nakuha ng kanilang mga kaanak at natengga sa Eastern Funeral Homes sa Muntinlupa City.

Nagsagawa naman ng funeral mass bago inilibing ang mga bangkay sa NBP Cemetery.

Ayon kay Director Ma. Cecilia Villanueva ng Health and Welfare Services, kabilang sa inilibing ang isang Japanese national.

Sa ngayon, pumalo na sa 140 bangkay ng PDLs ang nailibing na habang nasa 36 pa ang naiwan sa Eastern Funeral Homes.

Follow SMNI NEWS in Twitter