8 sa 10 Pinoy nagsabing wala o lalong lumala ang pamumuhay—SWS

8 sa 10 Pinoy nagsabing wala o lalong lumala ang pamumuhay—SWS

NASA halos 8 sa bawat 10 Pilipino ang nagsabi na walang pinagbago at lumala pa ang estado ng kanilang pamumuhay nitong Enero.

Sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS), 43% ang nagsabi na walang pagbabago sa kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan o isang taon.

25% naman ang nagsabing mas lumala pa ang estado ng kanilang pamumuhay habang 32% ang nagsabing gumanda ang kanilang pamumuhay.

Isinagawa ang survey noong Enero 17 hanggang 20, 2025 na may 1,800 respondents.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble