WALONG school staff sa Pakistan ang nasawi matapos silang pagbabarilin ng di pa nakikilalang gunmen.
Nangyari ang insidente matapos ang pagsusulit sa high school.
Sa ulat ng awtoridad, kabilang sa mga nasawi ay 5 school teacher at 3 staff na pawang mga lalaki.
Pinaghihinalaan namang miyemro ng Shia ang responsable sa pag-atake.
Ang rehiyon kung saan naganap ang pag-atake ay kilala sa awayan sa pagitan ng mga sekta ng Islam ng Sunni at Shia.
Kinondena naman ni Pakistan’s President Dr. Arif Alvi ang naturang insidente.