800-M katao sa Western Pacific kabilang ang Pilipinas, kulang sa maayos na health access—WHO

800-M katao sa Western Pacific kabilang ang Pilipinas, kulang sa maayos na health access—WHO

TINATAYANG nasa 800-M katao sa buong Western Pacific kabilang na ang Pilipinas ang walang sapat na access sa basic health services.

Ayon ito sa World Health Organization (WHO) kasunod ng paggunita ng World Health Day nitong Abril 7, 2024.

Katumbas ito ng dalawa sa lima katao na walang kakayahang makakuha ng isang health service gaya ng immunization, pregnancy at newborn care maging ang treatment para sa communicable at non-communicable diseases.

Sinabi ng WHO na may pag-unlad man sa napakaraming larangan ay mas marami pa rin ang dapat na gawin tungo sa maayos na basic health services para sa publiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble