HANDANG makipagtulungan ang Office of the Vice President (OVP) sa Russian Government sa larangan ng sports na malaking tulong sa mga kabataan ayon kay Vice President Sara Duterte.
Isa ito sa kanilang napag-usapan nang nag-courtesy call si Russian Ambassador Marat Ignatyevich Pavlov kay Vice President Duterte nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon kay VP Duterte, bukas sa pakikipagtulungan sa Russian government sa kanilang plano na dalhin ang kanilang Chess Grandmaster na si Anatoly Karpov upang turuan ang mga interesadong kabataan sa larong chess.
Samantala, napag-usapan din nila ang posibleng kooperasyon sa larangan ng enerhiya, edukasyon, at agrikultura,
Pinasalamatan din naman ni VP Duterte si Ambassador Pavlov dahil sa pagbibigay ng Russia ng Sputnik vaccines sa Pilipinas sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.