PINURI ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang Police Regional Office (PRO) 7 sa pagkakasabat sa 8.6 milyong pisong halaga ng iligal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa Cebu City.
Sa ulat kay Azurin, unang nahuli ang suspek na kinilalang si Jaime Caligner, kung saan nakumpiska sa kanya ang 210 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 1,428,000 piso.
Sa sumunod na operasyon, nalambat ang isa pang suspek na kinilalang si Vincen Rodriguez. Pagkakasabat
Nakuha sa kanya ang 1,055 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 7,174,000 piso.
Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Iginiit ni General Azurin na ang matagumpay na operasyon ay isang patunay ng dedikasyon at katapangan ng mga operatiba, gayundin ang epektibong intelligence-gathering at analysis efforts.