32 indibidwal kabilang ang 3 big-time drug pushers, tiklo sa Iloilo City

32 indibidwal kabilang ang 3 big-time drug pushers, tiklo sa Iloilo City

PINURI ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang Iloilo City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahuli ang 32 indibidwal kabilang ang 3 big-time drug pushers sa operasyon sa Brgy. Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City.

Kinilala ang 3 big-time drug pushers na sina Alony Leonor, alyas Bata; Elmer Leonor, alyas Nonoy; at Jeric Jimena na itinuturing na major players sa local drug trade.

Base sa ulat, nahuli sina Alony Leonor at Elmer Leonor, matapos na iabot ang sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer sa halagang 20,000 piso habang si Jimena ang nagsilbi nilang lookout.

Nakumpiska ng mga otoridad sa operasyon ang 135 gramo ng iligal na droga na may standard drug price na 918,000 piso at mga drug paraphernalia.

Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tiniyak naman ni PRO 6 regional director Police Brigadier General Leo Francisco na magpapatuloy ang kanilang krusada kontra iligal na droga lalo na ang pagtugis sa high-value drug personalities sa Western Visayas.

Follow SMNI NEWS in Twitter