Higit P200-M halaga ng droga, nakumpiska ng PNP

Higit P200-M halaga ng droga, nakumpiska ng PNP

NAKUMPISKA ng Philippine National Police (PNP), umabot ng 273.8 milyong pisong halaga ng iligal na droga.

Ito’y matapos ang ikinasang 3,576 anti-drug police operations mula Enero 1 hanggang 26.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., naaresto sa operasyon ang 4,858 indibidwal habang 9 na barangay ang nalinis nila sa iligal na droga.

Maliban dito, nakumpiska ng PNP ang 601 loose firearms mula sa 158 indibidwal.

Nakatanggap din sila ng 350 baril para sa safekeeping.

Samantala, naaresto ng pulisya ang 2,275 wanted persons matapos ang operasyon mula Enero 1 hanggang 29.

 

Follow SMNI News on Twitter