Territorial issue sa Sabah, pag-uusapan ng Pilipinas at Malaysia

Territorial issue sa Sabah, pag-uusapan ng Pilipinas at Malaysia

NAKATAKDANG magkaroon ng diskusyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at Malaysia patungkol sa isyu ng Sabah.

Nabanggit ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang pinakahuling vlog na inilabas nitong Marso 4.

Ang pahayag ni Pangulong Marcos ay kasunod ng 2 araw na official visit ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa Pilipinas noong nakaraang linggo.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, mahalagang matalakay ng dalawang Southeast Asian neighbors ang usapin ukol sa territorial claim sa Sabah.

Tiniyak naman ng Chief Executive na masinsinan ang magiging pag-uusap sa naturang isyu.

Sa kabilang banda, inilarawan naman ng Malaysian leader ang naging approach ni Pangulong Marcos sa isyu bilang “cordial.”

Samantala, sa kabila ng territorial dispute, ani Pangulong Marcos, nananatili pa rin ang mainit na relasyon ng Pilipinas at Malaysia.

Inilarawan ni Pangulong Marcos ang ugnayan ng dalawang Asian countries bilang malapit na mag-partners sa iba’t ibang aspeto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter