Mga airline sa Japan, layong humimok ng mas maraming Chinese tourists

Mga airline sa Japan, layong humimok ng mas maraming Chinese tourists

TARGET ng Japan Airlines (JAL) na madagdagan pa ang bilang ng Chinese tourists na papasok sa Japan.

Inihayag ng Chief for Japan Airlines na nakahanda sila sa anumang panahon para sa paghatid ng Chinese tourists papasok at palabas ng Japan.

Sa inilabas na datos ng Japan National Tourism Organization (JNTO), taong 2019 umabot sa 1.77 trillion yen ang nalikom ng bansa sa pagpasok ng mga Chinese tourists na siyang katumbas sa 36.8% na total foreign tourist expenditure.

Taong 2022 naman bumagsak na lang sa higit 180,000 ang bilang ng mga turista na nakapasok sa bansa kumpara sa 9.6 milyon sa taong 2019 bago ang pananalasa ng pandemya sa bansa.

Samantala, ang single-entry at three-year multiple-entry tourist visa sa bansang Japan ay hindi pa maaring gamitin bilang aplikasyon.

Sa ngayon ay nag-ooperate naman ng 25 flights ang Japan Airlines mula Dalian, Guangzhou, Tianjin, Shanghai, at Beijing patungong Tokyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter