VP Sara, dumalo sa wreath-laying ng ika-75 anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pang. Manuel Roxas

VP Sara, dumalo sa wreath-laying ng ika-75 anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pang. Manuel Roxas

DINALUHAN ni Vice President Sara Duterte kaninang umaga ang wreath-laying para sa ika-75 na anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Manuel Roxas sa Manuel Roxas Monument, Roxas City, Capiz.

Ang taunang tradisyon na ito ay isinasagawa upang magbigay-parangal at pag-alala sa mga makabayan na kontribusyon ni dating Pangulong Roxas sa ating bansa.

Ang taunang wreath-laying ay ginagawa rin bilang tradisyon ng Capiztahan—ang memorial celebration at founding anniversary ng lungsod.

Kasama ni VP Duterte ang iba’t ibang mga opisyal ng lungsod ng Capiz, si dating Pangulo at Deputy House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, dating DILG Secretary Mar Roxas, at iba pang bumubuo ng Roxas family.

Follow SMNI NEWS in Twitter