Wikimedia Foundation, pinagbabayad ng isang korte sa Moscow dahil sa “fake news” nito hinggil sa Russia-Ukraine War

Wikimedia Foundation, pinagbabayad ng isang korte sa Moscow dahil sa “fake news” nito hinggil sa Russia-Ukraine War

PINAGBABAYAD ng isang korte sa Moscow, Russia ang Wikimedia Foundation, ang may-ari ng online encyclopedia na Wikipedia.

Ito’y dahil bigo itong tanggalin ang tinawag ng korte na “fake news” hinggil sa umano’y military campaign ng Russia sa Ukraine.

Nagkakahalaga ito ng 2 million roubles o 24, 525 US dollars.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na pinagmumulta ng Russia ang Wikimedia Foundation hinggil sa mga impormasyong inilalabas nito patungkol sa Russia-Ukraine War.

Noong 2022 ay pinagbabayad na sila, maging nitong February 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter