DOJ, tiwalang malapit nang sumuko si Gen. Bantag

DOJ, tiwalang malapit nang sumuko si Gen. Bantag

NANINIWALA ang Department of Justice (DOJ) na hindi na magtatagal ay susuko na ang wanted na si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Paliwanag ni Justice Secretary Crispin Remulla na mahirap kasi ang magtago sa batas at mahirap ding maging wanted.

Magugunitang nauna nang sinabi ng kalihim na nagpahayag na umano si dating BuCor chief Gerald Bantag ng kagustuhan nitong sumuko sa mga awtoridad.

Sabi ni Remulla, kinausap ni Bantag ang isang kapwa niya miyembro ng gabinete at nagsabing gusto na nitong sumuko.

Gayunman ay sinabi ni Remulla na wala namang kaakibat na kondisyon ang posibleng pagsuko ni Bantag.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter