PLANO ng Philippine National Police (PNP) na makuha ang tiwala at kumpiyansa ng publiko.
Ito ang inilahad ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. sa kaniyang unang command conference sa Camp Crame, Quezon City ngayong araw.
Ayon kay Acorda, target nila na makuha ang suporta ng publiko para sa kanilang mga programa.
Sa ilalim aniya ng liderato ay nais niyang magkaroon ng magandang ugnayan ang PNP sa publiko upang mabilis silang makapagbibigay ng ulat sa naitalang krimen.
Sa assumption speech ni Acorda, binigyang-diin nito na magiging agresibo ang PNP sa paglaban sa kriminalidad para sa kaligtasan ng publiko.
