Passi City sa Iloilo, isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha

Passi City sa Iloilo, isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha

EPEKTIBO noong Mayo 4, isinailalim na sa state of calamity ang Passi City sa Iloilo dahil sa masamang panahon.

Ayon kay Passi City Mayor Stephen Palmares, ito ay dahil sa mga pagbaha at landslides sa iba’t ibang barangay ng siyudad dahil sa malakas na ulan dulot ng low pressure area.

Sa ngayon, nasa 32 barangay na ang apektado at patuloy ngayon ang monitoring ng lokal na pamahalaan sa posible pang mangyayari.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter