Pilipinas, umaarangkada sa 32nd SEA Games sa Cambodia

Pilipinas, umaarangkada sa 32nd SEA Games sa Cambodia

NAKUHA ng Pilipinas ang karagdagang 4 na medalya sa larong obstable racing habang nanalo rin ang Team Sibol na nakamit ang kauna-unahang gintong medalya sa e-sports category ng 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia.

Natalo ng Pilipinas sa e-sports ang bansang Vietnam sa iskor na 3-1.

Samantala, sa kabuoang ranking naman sa nagpapatuloy na SEA Games nasa ikalimang puwesto na ang Pilipinas na mayroong 14 na gintong medalya, 19 na silver at 19 na bronze.

Sa kabuoan, nasa 52 na ang medalya ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter