ITINURN-over ng Peace 911 ng Davao City sa mga awtoridad ang 44 dating CTGs sa Brgy. Paquibato Proper, Davao City.
Tinanggap ang mga dating rebelde ng Davao City Police Office at 10th Infantry Division sa ilalim ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom).
Tiniyak ni Public Attorney’s Office (PAO) Davao Regional Director Atty. Suseyline Bakino-Abtarul na tutulungan nila ang mga dating rebelde sa kanilang legal concerns.
Habang nangako si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na tutulong sila sa kabuhayan ng mga dating rebelde lalo na sa pang-araw-araw na pangangailangan at pagbabalik sa mainstream society.
Samantala, pinasalamatan ni 10th Infantry Division Commander Major General Jose Eriel Niembra ang Peace 911 na epektibong paraan ng lungsod kontra insurhensiya at naging daan para maging insurgency-free ang Davao Region partikular ang Davao City.