“Star Wars” hotel, ipapasara ng Disney matapos ang 1 taong pagbubukas

“Star Wars” hotel, ipapasara ng Disney matapos ang 1 taong pagbubukas

NAGDESISYONG ipasara ng Disney ang hotel nitong may temang “Star Wars” matapos ang isang taon nitong pagbubukas.

Sa anunsiyo ng Disney, pinasalamatan nito ang lahat ng mga cast members, staffs at mga naging guest nito sa mga nagdaang buwan.

Walang sinabing dahilan ang Disney ng pagsasara nito ngunit ayon sa ulat, ang pagsasara ng naturang hotel ay kasabay ng pagbabawas ng Disney ng $5-B sa mga gastos pati ang pagtanggal ng nasa 7,000 empleyado.

Dagdag pa sa anunsiyo na ang huling araw nito ay sa darating na September 30 at lahat ng mayroon ng reservation matapos ang nasabing araw ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa management ng Disney.

Ang Galactic Starcruiser ng Disney ay una nang binuksan Marso 2022 at ang marangyang hotel ay hango sa Halcyon sa Star Wars.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter