GINUNITA ngayon sa lungsod ng Marawi ang ika-anim na taon ng Week of Peace matapos ang nangyaring Marawi Siege ng taong 2017.
Matapos ang 6 na taon mula nang nagkaroon ng Marawi Siege taong 2017 ay patuloy namang bumabangon ang mga residente dito mula sa mapait na karanasan nito.
Bilang bahagi sa ika-anim na taong pagdiriwang ng Marawi Week of Peace may iba’t ibang aktibidad ang nilaan para dito.
Isa na rito ang trade fair na layuning mapalakas ang kabuhayan ng mga kapatirang Maranaw.
Ayon kay Marawi City Mayor Atty. Majul Gamdamra, ang trade fair ay inisyatiba ng iba’t ibang sektor ng sosyodad na pinangunahan ng Task Force Bangon Marawi.
At dapat aniyang panatilihin ang mga accomplishments ng lungsod lalo na ang Marawi Week of Peace ay replika kung saan nagpapaalala ito sa hindi inaasahang Marawi Siege at proseso sa pagpapagaling sa sugat ng nakaraan upang tuluyan na itong makalimutan.
“Ang trade fair na ito ay initiative ng different sectors of the society so that we can sustain the gains that accomplish during the interventions of the Task Force Bangon Marawi. Tayo mismo ang magus-sustain sa lahat ng na-accomplishment natin during those years. Take note that this (MWOP) is not just a mere come ago observance. It is one that intents to help us all remember and reflect on what had happened during the unfortunate time of Marawi Seige while focusing on the ways on which to move forward and onward. Healing will always be a continues process but of course, we must move forward,” saad ni Atty. Majul Gandamra-City Mayor-Marawi City.
Ayon kay Asec. Felix Castro ng Task Force Bangon Marawi, ang pagdiriwang ng MWOP ay napakaimportante dahil ito ay nagpapaalala kung gaano kahalaga ang kapayapaan.
Highlights din sa isang linggong aktibidad ang pag turn-over ng mga proyekto na natapos ng TFBM at isa na rito ang mga pabahay para sa mga beneficiaries sa lungsod.
“This coming May 17-23, 2023, we again commemorating the Marawi Week of Peace. Every year since 2018 ito ay kino-conduct natin, ang purpose nito ay to remind our brothers and sisters na mahalaga ang kapayapaan, nakita natin ang nangyari during the siege at we are witness kung ano yung distruction na naidudulot ng gyera,” saad ni Asec. Felix Castro ng Task Force Bangon Marawi.
Samantala sa panig naman ng Philippine Army sa pangunguna ni Col. Ulpiano Olarte-Commanding Officer ng 55th Engineer “Mobilizer” Brigade.
Sinabi nito na ang Marawi Week of Peace ay nagpapakita ng pagmamalasakit, pagtutulongan at pagmamahal ng kapwa Pilipino lalo na sa naging biktima ng giyera sa lungsod.
Dagdag pa ni Olarte, na kaisa at katulong ang kanilang ahensiya para mapanatili ang kapayapaan sa lungsod.
“Sa ating paggunita sa Marawi Week of Peace, ating naipapakita ang pagmamahal at suporta para sa ating kapwa Pilipino na naging biktima ng Marawi Siege, kaisa nila tayo sa paghahangad ng kapayapaan at katulong nila tayo patungo sa kaunlaran ng ating bansa,” wika ni Col Ulpiano Olarte-55th Engineer “Mobilizer” Brigade, Philippine Army.
Matatandan na ang Marawi Siege ang pinakamataas na urban warfare na nangyari sa bansa taong 2017.