Pita Limjaroenrat, ‘di siguradong susuportahan ng mga senador sa Thailand

Pita Limjaroenrat, ‘di siguradong susuportahan ng mga senador sa Thailand

HINDI pa napagdedesisyonan ng mga senador na nasa mayorya kung susuportahan ba nila ang Move Forward Party (MFP) leader na si Pita Limjaroenrat bilang punong ministro.

Ayon kay Outspoken Senator Wanchai Sornsiri, ang mga senador ay nagpalitan ng mga pananaw tungkol sa isyu kung saan plinano ni Pita na maging bagong punong ministro ng Thailand at gumawa ng bagong gobyerno.

Subalit may 3 option na puwedeng gawin ang mga senador yun ay ang, bumoto kay Pita, hindi bumoto sa kaniya o huwag bumoto.

Dagdag pa niya, maninindigan siya umano sa kaniyang mga salita na iboboto niya ang prime ministerial candidate na hinirang ng isang coalition na siyang namamahala upang makakuha ng higit sa 250 na puwesto sa Kamara.

Ang bloc na pinamumunuan ng MFP na may 8 political parties at 313 na puwesto sa Kamara ay nangangailangan pa rin na makakuha ng hindi bababa sa 376 na boto sa 750 na puwesto na binubuo ng 500 MP at 250 na senador.

Matatandaang noong nakaraang araw ay nahaharap sa kontrobersiya si Pita dahil sa nagmamay-ari siya umano ng ilang bahagi sa ITV, isang ipinagbabawal sa konstitusyon na kumandidato sa eleksiyon kung sila ay nagmamay-ari ng mga media company.

Habang hiniling naman ni political activist Ruangkrai Leekitwattana na paimbestigahan si Pita sapagkat ang pinuno ng MFP ay nagmamay-ari umano ng 42,000 shares sa ITV.

Ayon naman sa isang senador na si Kittisak Rattanawaraha noong Martes, hindi siya boboto kay Pita dahil hindi siya sang-ayon sa napakakontrobersiyal na patakaran ng MFP na amyendahan ang seksyon 112 ng Criminal Code (Lese Majeste Law).

Follow SMNI NEWS in Twitter