DAPAT tutukan ang kalayaan sa kahirapan sa bansa.
Ito ayon kay Senator Robinhood Padilla sa panayam ng SMNI News na nararapat na magkaroon ng totoong kalayaan ang bansa.
Reaksiyon na rin ito ng senador hinggil sa debate kung naging mabuti o hindi ang Marcos Sr. administration, ano ang kuwento ng mga Aquino at maging ang kagitingan ng iilang mga bayani.
Para kay Padilla, ang daming inuuna ng mga namumuno sa kasalukuyan at napapabayaan na ang pagpapalaya sana ng bansa mula sa kahirapan, sa smuggling at sugal.
Sa kasalukuyan, iilan lang sa mga Pilipino ang yumaman at nananatiling malaking porsiyento ang mga mahihirap.