Higit 400 foreign workers ng ni-raid na POGO Hub sa Las Piñas, naisailalim na sa biometrics

Higit 400 foreign workers ng ni-raid na POGO Hub sa Las Piñas, naisailalim na sa biometrics

PATULOY ang pag-iimbestiga ng Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya ng gobyerno sa ni-raid na POGO Hub sa Almanza Uno, Las Piñas City.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Redrico Maranan, naisailalim na ng Bureau of Immigration sa biometrics ang 460 mula sa 1,239 na foreign nationals na nagtratrabaho sa XinChuang Network Technologies.

Kabilang sa mga na-rescue na foreign workers ay ang 643 Chinese, 186 Vietnamese, 140 Indonesian, 136 Malaysian, 83 Thai, 17 Taiwanese, 8 Burmese, 8 Nigerian, 4 Singaporean.

Gayundin ang 2 Pakistani, 2 Yemenis, 2 Chadian, 1 Iranian, 1 Cameroonian, 1 Somalian, 1 Sudanese, 1 Ivorian, 1 Tunisian, 1 Indian at 1 Arab.

Nabatid na sa foreign workers natunton ang 4 Chinese at 2 Taiwanese na nahaharap sa reklamo sa kanilang bansa.

Una nang pinayagang makauwi ang 1,534 Filipino matapos maproseso ng mga awtoridad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter