Johor Baru-Singapore RTS, inaasahang magsisimula sa 2026

Johor Baru-Singapore RTS, inaasahang magsisimula sa 2026

UMABOT na sa 41% ang kontruksiyon ng Johor Baru-Singapore Rapid Transit System (RTS) at naaayon upang simula ang operasyon sa pagtatapos ng 2026.

Ayon kay Johor Works, Transportation at Infrastructure Committee Chairman Mohamad Fazli Mohamad Salleh, batay sa pag-unlad ng kontruksiyon noong Hunyo, ang mga transportation project ay may mataas na posibilidad na maisaayos bago ang 2026.

Ang RTS Link project ay isang four kilometer rail network na kumokonekta sa Bukit Chagar Station sa Johor Bahru at Woodlands sa Singapore.

Ito ay magkakaroon ng kapasidad na maglipat ng 10,000 na pasahero kada oras sa bawat direksiyon.

Inaasahang ang RTS Link ay makaaakit ng 35% ng 350,000 manlalakbay sa Tambak Johor araw-araw.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter