NAGTAGISAN ng galing sa pagsayaw, pag-awit, at paglalaro ng iba’t ibang ball games ang mga Pilipino na naninirahan sa iba’t ibang bahagi ng Malaysia para sa ika-anim na Malaysia Young and Adult Camp 2022.
Ang nasabing patimpalak ay inorganisa ng Kingdom of Jesus Christ katuwang ang Sonshine Media Network International (SMNI).
Binubuo ito ng limang team, kabilang na ang Johor Bahru, Kuala Lumpur, Penang North, Penang South at Keepers Club International Malaysia Chapter.
Karamihan sa mga delegado ay bumiyahe pa ng tatlo hanggang limang oras upang dumalo sa mga inihandang patimpalak na ginanap sa sports arena, University Tenaga National sa Kajang Selangor, Malaysia.
Unang nagtagisan ng galing sa pagsayaw ang mga delegado sa power dance competition.
Sinundan ito ng choral competition at sports competition gaya ng basketball at volleyball competition.
Malaki ang pasasalamat ng mga Pilipino na nakilahok sa patimpalak dahil maganda anila itong pagkakataon upang mas magkakilala ang mga Pilipino na nasa Malaysia na naninirahan sa iba’t ibang state nito.
Naging posible ito dahil kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.
“Isa lang ang masasabi ko this is a success kasi SMNI is able to gather a number of Filipinos, this is an example how the Filipino community at post pandemic, we are promoting help among Filipinos at mangyayari lamang ito because of SMNI,” ayon kay Arturo A. Lee, Jr. ng Philippine Embassy sa Malaysia.
“Napakaganda po at nakaka-bless at madaming tao anyway first time ko naka-attend dito at napakasaya at maraming Pilipino mula Penang from Johor, Kuala Lumpur ay nagkaisa at very successful I can say and after pandemic ngayon lang ako nakapanood ng volleyball at basketball,” ayon pa kay Lyn dela Rama ng Kuala Lumpur team.
“Una maraming salamat kay Pastor dahil po sa ganitong activity nakumpol po ang mga Pilipino sa Malaysia from Penang, Johor at Kuala Lumpur maraming salamat sa kaniyang initiation at na nagkaisa ang mga Pilipino,” dagdag nito.
“This is the first time na nag-attend kami dito it’s a nice experience sa amin at ang team namin ay talaga nag-work out para mapanalo ang aming team at saka ang maganda nag-work ang teamwork namin siyempre masaya kami na pumunta dito at masaya ding babalik,” ayon naman kay Ghiezzele Noble ng Penang South team.
“Ang masasabi ko sa karanasan ko ngayong araw nakikita ko ang unity ng bawat representative na nanggagaling sa kung saan-saang bahagi ng Penang, dito ko nakikita ang mga OFW na tinatapunan talaga nila ng oras ang ganitong klaseng gawain kasi minsan lang itong mangyari sa kanila besides sa pagtatrabaho nagkaroon sila ng pagkakataon na lumabas at makihalubilo sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa Malaysia,” ayon naman kay Hermie Camba ng Penang North.
Maging ang ilang kabataan sa Malaysia ay hindi pinalampas ang pagkakataon na makilahok sa dance competition at sports events gaya ng mga miyembro ng Keepers Club International Malaysia Chapter.
“I feel good, I enjoy it and I appreciate this to join this event,” ani Phinwei Choo, miyembro ng Keepers Club International Malaysia Chapter.
“I think it’s fun and I learned things I never experienced like this before because I’m different with another places. Yeah I had fun so much (What is your favorite event?) Favorite event? power dance. (Why?) because I love dancing,” ayon naman ni Alexandra Tan ng Johor Bahru team.
“Very enjoy and interested all the guys are very nice,” ani Eric Ho Jing Yuan, miyembro ng Keepers’ Club International.
Nasaksihan din ng ilang mga taga-embahada ng Pilipinas sa Malaysia at iba pang bisita ang malaking pagtitipon na ito ng mga Pilipino.
Ilan sa mga dumalo ay sina Office of Police Attache Col Ferlu Silvio, NTF-ELCAC Adviser Arthur Lee, Asst Police Attaché Ms. Juliey Francisco, Vice President Unite Resource Speakers Group na si Ms. Aileen Yap, OWWA/MNOFRC Teacher Ms. Perlita Decena, Special Assistant to the Sister of the King of Malaysia na si Lyn Balbuena.
Kaya naman kinilala at pinasalamatan ng mga Pilipino sa Malaysia si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa pag-organisa ng nasabing aktibidad na para sa kanila ay dapat maulit pang muli.
“Before anything else I would like to thank Pastor Quiboloy thank you for this very, very big event in Kuala Lumpur,” ayon kay Lorlyn Belmis ng Kuala Lumpur team.
“Pastor Apollo C. Quiboloy thank you so much for organizing this event na nagkakaisa ang mga Pinoy dito sa Malaysia and it feels like home to compete to know everyone from different states of Malaysia. Thank you so much it’s a pleasure to be part of this event, thank you,” ayon naman kay Jamaican Oybines, South Penang team.
“Napakaganda ng ginawa niya yung magandang bonding ng tauhan niya magandang bonding natin ito lahat ng state ng Malaysia,” ani Egay Chavez, Johor Bahru team.
“Nagpasalamat ako, tayo kay Pastor Quiboloy na gumawa ng event na ito na hindi lang tayo puro trabaho at may sports,” ayon din kay Dondon Cantero ng Johor Bahru team.
Ipinaabot naman ni Pastor Apollo ang kaniyang pagbati sa mga Pilipino na dumalo sa nasabing patimpalak sa pamamagitan ng kaniyang kinatawan ang Asia Pacific Administrator ng Kingdom of Jesus Christ si Sis. Nelida Lizada.
“Ipinapaabot ko po ang pangungumusta sa lahat, this is just the beginning, ipagpatuloy ninyo ang tawag ng pagkakaisa at pagkakaunawaan. Nagkakakalaban-laban man tayo sa laro ng ibang team but in the spirit we are just one, one Filipino, iba man ang religion, pinanggalingan but iisang bansa lang tayo na pinanggalingan ‘yun ang ating itayo ang pagkakaisa,” ayon kay Lizada.
Para sa mga Pilipino sa Malaysia tila hindi malayo ang Pilipinas dahil sa mga ganitong klaseng event na inorganisa ni Pastor Apollo C. Quiboloy at umaasa silang masusundan ito ulit sa susunod na mga panahon.