HINDI mapapantayan ng Estados Unidos ang pagiging trading partner ng China sa Pilipinas.
Ito’y kapag aalis ang Estados Unidos sa pagiging trading partner ng Pilipinas sakaling lalala ang tensiyon sa bansa sa pagitan ng China, Taiwan, at U.S.
Sa kaniyang programa sa SMNI News, sinabi ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque na mas may kakayahan pa na pumalit dito ay ang Europa.
Sa pakikipagtransaksiyon ay mas pipiliin pa ng Estados Unidos ang karatig-bansa sa kanila.
Pero sinabi naman ni Roque na bibigyan pa rin ng benefit of the doubt ang Estados Unidos dahil nangako ito na angkatin ang mga nickel ng Pilipinas para gawing batteries ng electric cars.
Iyon nga lang aniya, madalas sa mga pangako ng Estados Unidos ay napapako.